Magandang Balita!
Simula July 1 hanggang July 31, 2024, inaanyayahan ang lahat ng mga buntis at/o nagpapasusong mga nanay na magrehistro sa https://iregistro.dswd.gov.ph.
Ang i-Registro ay isang inisyatiba ng DSWD, katuwang ang lokal na pamahalaan, na naglalayong hikayatin ang mga indibidwal mismo ang magrehistro ng kanilang mga datos at impormasyon sa DSWD i-Registro gamit lamang ang kanilang cellphones o sa pamamagitan ng mga i-Registro kiosks na nakalagay sa mga piling barangay sa munisipyo. Sa kasalukuyan, ang i-Registro ay nakatutok sa mga buntis at/o nagpapasusong mga nanay sa Munisipyo ng Peteros, Floridablanca, at Cordova.
Para sa mga tanong, maaaring mag-email sa ask.iregistro@dswd.gov.ph.
#BawatBuhayMahalagSaDSWD #iRegistroParaSaTamangSerbisyo See less